Thursday, May 1, 2014

Midnight Magic


1:19 am di parin ako makatulog may mga bagay kasi ako na naiisip gaya ng "bakit may mga taong nakikiilam sa buhay ng iba" yung tipong mga bagay na pwede gawan ng istorya o kaya naman topic sa aking blog na susunod kong isusulat, o kaya naman mga kanta n gusto ko i-compose pero di ko mabuo kasi bigla nalang may papasok ulet na ideya sa utak ko, gulo diba? Pero bago pa man tayo magpatuloy ipapaliwanag ko muna kung bakit ito ang nasulat ko ngayong hating  gabi o madaling araw, "Midnight Magic" bakit ito ang title?


Di ko rin alam kung bakit yun ang inilagay kong title, wala lang parang gusto ko lang na medyo misteryoso yung title.

Sige simulan natin sa isang tanong. "Alam nyo ba kung anong oras masarap magsulat ng kung ano ano?" Tama tuwing hating gabi, may kakaibang pakiramdam kapag sumusulat sa ganitong oras para itong mahika.
Halimbawa para sa mga composer sa gabi nila nararamdaman ang romantic feelings, gaya nalang ng "ano kayang ginagawa ni mahal" , "naiisip rin niya kaya ako?", o kaya naman mga bagay na nakalipas na o yung tipong pang heart broken, at mula sa mga bagay na yun humuhugot sila ng inspirasyon na makasulat ng kanta, ako nga naalala ko ngayon si "keziah" hahay.. <3

Okay balik tayo sa topic gaya ng nasabi ko ano nga ba meron ang gabi at bakit masarap magsulat sa ganong mga oras?

Ako kung para lang sakin ah.. Siguro dahil sa tahimik, hmm.. Nakakapagisip tayo ng mga bagay na ginawa natin sa maghapon mga bagay na nangyari sa buong araw, at magmula doon nagsisimula tayong magplano, itama kung may mali man tayong nagawa at higit sa lahat mangarap.

Kasi pag nangarap tayo nagiging inspirado tayo, pag-inspirado may mga bagay na pakiramdam mo ay kaya mong gawin tulad nalang ng pagsulat ng kanta, tula o kaya naman istorya, gaya ko ginawa kong inspirasyon yung mga bagay na naghahalo-halo sa isip ko at nagawan ko pa ng kuro-kuro, diba? Ikaw kaya na feel mo na ba ang mahika ng hating gabi?

0 (mga) komento:

Post a Comment