Sunday, April 20, 2014

Makinig ka lang maririnig mo siya

Bakit nga ba tayo nasasaktan? Bakit nga ba hinahayaan ng Diyos na mahirapan at masaktan tayo? Yan ang mga linya na narinig ko sa pinapanuod ko n drama, pero di naman talaga ako mahilig sa drama wala lang kasi ibang mapanuod sa t.v. kasi sabado de gloria ng mga katoliko ngayong araw. At habang nanunuod ako ito ang mga bagay na pumasok sa isip ko:


Bakit nga ba tayo nasasaktan? Para kasi sakin natural yun sa buhay, nangyayari ang mga bagay na yun dahil sinusubukan tayo, kung minsan naman tinuturo lang tayo ng ating Diyos sa tamang daan kasi minsan naliligaw na tayo.
Pero bakit nga ba hinahayaan ng Diyos na masaktan muna tayo bago natin malaman na mali ang daan na tinatahak natin? Siguro karamihan satin sinisi na ang Diyos sa mga kamalasan na nangyari sa buhay natin. Bakit nga ba pinapahirapan muna tayo? Pwede naman niya sabihin satin na mali tayo diba? Pero bago ka magisip at sisihin ang Diyos, ito ang sagot ko sayo.
"Nasubukan mo na ba makinig?"
Maaaring sinabi na sayo ng ama natin na mali ang ginagawa mo di ka lang nakinig. Walang magulang na gugustuhin na mapahamak ang kanyang mga anak, sadya lang n tayong mga anak ang matigas ang ulo, kaya tayo napapahamak at nasasaktan.
"Listen, God will tell you he loves you"

0 (mga) komento:

Post a Comment