About Me

Im Lewins De Luna Mamaat, pure pinoy at kung tatanungin mo kung bakit ko ginawa ang "#lewins"? Ito ang sagot ko sayo.. Wala lang, paborito kong sagot sa tuwing may magtatanong sakin, kahit anong tanong na tungkol sakin at sa mga bagay na aking ginagawa pero di naman dun natatapos amg sagot ko dahil palagi yung may kasunod na paliwanag gaya nalang neto.

"Wala lang.. Kasi kung sakali one day bigla nalang ako mawala may maiiwan ako na kwento ng buhay ko.."





Pero sino ba ang magtatyaga magbasa at manuod sa sinulat at mga ginawa ko? Wala siguro, Pero kahit ganun gagawin ko parin, Ikukwento ko parin sa buong mundo ang kwento ng buhay ko gamit ang site na to.
Pano ko ba sisimulan? Nagmula ako sa simpleng pamilya di naman mayaman di rin mahirap yung sakto lang, normal naman ang buhay maraming kaibigan, may totoong kaibigan, meron din plastik na kaibigan at meron di  naman kaibigan n kilala ka lang pagmay kailangan. Gaya ng iba kuntento na ko kung anu meron pero one day may nalaman ako at yun ang nagpabago ng pananaw sa buhay.. Pero di ko na sasabihin kung ano yun bagay na yun basta eto lang ang masasabi ko at sana ikaw na bumabasa isipin mo to mabuti.


"Di mo alam kung anong oras at kung kelan ka mawawala.. Nagawa mo na ba ang mga bagay na gusto mong gawin? Kuntento ka na ba? Wala ka na bang pagsisisihan?"

Marami pa kong bagay na gustong gawin, mga pagkain na gustong kainin at lugar na gustong puntahan at sana magawa ko yun. "Happy go lucky" ba ang dating? Oo pwede nating sabihin na ganon nga pero sabi nga ng iba "life is short make it wort it" At sabi pa ng isang artista "life is a big adventure".

Isa yan sa ugali ko na ayaw skin ng babaeng mahal ko pero kahit ganun alam ko naman na naiintindihan nya, pero alam mo ba kahit na away bati kami nun mahal na mahal ko siya, kahit n di ko pa siya girlfriend, dahil nga marami ang tutol samin isa na dun ay ang papa nya, pero kahit ganun sana sa pamamagitan ng site na to malaman nya na mahal ko parin siya at mananatili ako na naghihintay sa kanya.

Mahaba-haba na rin tong nasulat ko, ikukwento ko nalang ang iba sa mga blog post ko at sana patuloy parin kayo na magbasa at sumama sa mga kwento ng adventure ko. :)

#lewins

0 (mga) komento:

Post a Comment