Friday, August 22, 2014

Para Sayo Ano Ang True Love?

Ano nga ba para sayo ang true love? Siguro ikaw naramdan mo na rin to, kasi ako "Oo naramdaman ko na to". At kung ako ang tatanungin kung ano ang true love para sakin ito ang sagot ko:

"True Love"- ito yung pakiramdam na gusto mo yung isang tao sa paraan na hindi mo tinitignan kung ano ang nakaraan niya, kung ano ang ugali niya, o kung ano man ang negatibo sa kanya, kasi "you will always look at the best in her/him" at higit sa lahat gagawin mo kung ano man ang makakapag pasaya sa kanya ng walang hinihinging kapalit kundi aasa ka na sana maramdaman niya na mahal mo siya.


Kung minsan nga ay sumosobra pa tayo, kasi nagagawa natin magpakatanga, magtiis kahit nasasaktan na, magbulag bulagan at minsan pa nga nagagawa mo pang ipahiya ang sarili mo sa harap ng ibang tao, Kaso mali rin yun minsan kasi napahiya ka na nga pati yung mahal mo nadamay pa, pero nagagawa lang naman natin yun kasi nagmamahal tayo, tama? Pero mali eh.

Tama man o mali wala tayo magagawa kasi yan ang kapangyarihan ng pag-ibig eh. Diba si Christ nga namatay dahil mahal niya tayo? So ikaw handa ka ba maghirap at magsakripisyo sa mahal mo? Kung Oo, true love yan pare ko.

Ngayon tama rin ba na magbago ka para sa taong mahal mo? Ang sagot ko dipende sa inyong dalawa kasi kung mahal mo talaga siya magbabago ka para sa kanya, pero kung mahal ka talaga nya tatangapin ka niya kahit ikaw pa ang worst person in the world, yun ang tama.

Kung ako ang tatanungin kung natagpuan ko na ang true love ko?

"hmmm.. Oo natagpuan ko n sya at kahit na moody siya, makulet at medyo matampuhin siya yung babae na ayaw kong mawala di ko alam kung bakit minahal ko siya basta bigla ko nalang naramdaman na mahal ko siya, mahal na mahal".

"Alam nyo ba n kayang kaya niya ko paiyakin? Pasaway siya at minsan sumasakit na ang ulo ko. Pero bigyan nyo man ako ng sampong dahilan o kahit gawin nyo pang isang daan n dahilan para ayawan ko siya, bibigyan ko din kayo ng isang dahilan kung bakit siya ang true love ko, "dahil mahal ko siya"

Dibdibang usapan ba? Haha.. Pero kasi yun ang totoo. Ikaw true love na ba yung nararamdaman mo?
Pero minsan may mga tao talaga na di  karapatdapat, minsan kasi akala natin sila na, yun pala hindi pa, kaya nasasaktan tayo ng sobra, pero wag ka na matatakot mag mahal sabi nga nila "malawak ang dagat marami pang isda diyan". Pero meron din akala natin hindi sila yung true love natin kya pinapakawalan natin sila ng di sadya, pero there's always a second chance, di p huli para hulihin ulit ang loob niya. Nagawa mo dati? Magagawa mo ulet with new style pa!.

"Wooh! Antok na ko, nakakita na rin ako ng 3 shooting star ngayong gabi lyrids meteor shower ang tawag sa nangyayari ngayong gabi. Nakapag wish na rin ako n sana ako rin ang iniisip ng true love ko (mallows ko), sige next time nalang ulet at matutulog na ko. Nyt nyt!!."

0 (mga) komento:

Post a Comment